KAPATAGAN SINALBA NI PALMA SA ILIGAN

KUMANA ng krusyal na baskets sa huling sandali si Renz Palma upang akayin ang Kapatagan kontra Iligan City, 64-56, sa main game ng inaugural Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Miyerkoles ng gabi sa Provincial Gymnasium ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Mula sa dikit na 52-21 bentahe, sumagitsit ang opensa ni Palma tampok ang magkasunod na three-pointer upang hatakin ang bentahe ng Buffalo Braves sa 60-53, 1:03 pa ang nalalabi sa laro. Tumapos si Palma na may 18 puntos mula sa 7-of-16 shooting, anim na rebounds, apat na…

Read More

PARKS, MAS GUSTONG MAGLARO SA B.LEAGUE

NI ANN ENCARNACION KABILANG si Bobby Ray Parks Jr. sa Filipino hoopsters na ­nililigawan ng Japanese B. League, ayon sa isang players agent. Hindi pumirma ng panibagong kontrata si Parks matapos mapaso ang one-year deal niya sa TNT Tropang Giga dahil sa personal na dahilan. Ngunit nananatili sa TNT ang player’s rights ni Parks, na malabong basta pakawalan na lang ng kanyang mother team. Patuloy ang panunuyo ng B.League at iba pang international leagues sa mga Pinoy players dahil maraming basketball followers sa bansa. Kaya maliban sa magkapatid na Thirdy…

Read More

US$2.7-M TINALIKURAN NI TERRENCE ROMEO

BAGO pa ang magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena, at Juan at Javi Gomez de Liaño, mas naunang nagkaroon ng offer para maglaro sa Japan B.League si Terrence Romeo ng San Miguel Beermen. Ngunit tinanggihan ng SMB guard ang three-year US$2.7 million contract mula sa isang team sa B.League, pagbubunyag ng isang Gilas Pilipinas official. Dating naglaro para sa Gilas si Romeo at sa mga panahong ito nangyari ang panliligaw sa kanya ng naturang Japanese team. Ayon sa source, bagama’t nakasisilaw ang naturang offer, hindi nagda­lawang-isip ang Beermen player sa…

Read More

CALOY YULO UUKIT NG KASAYSAYAN – GAP

Ni ANN ENCARNACION POSITIBO si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton na makapagtatala ng kasaysayan ang gymnast na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo sa Tokyo Olympics. Mahigit dalawang linggo na lang bago ang Summer Games kaya’t hindi maitago ng GAP prexy ang kanyang excitement para sa nag-iisang Filipino gymnast sa quadrennial meet. “I just could not hide my confidence,” sabi ni Carrion-Norton sa lingguhang online forum ng ­Philippine ­Sportswriters Association (PSA) kahapon. “Caloy is so cool…I am more nervous than him.” “I talk to him several times,…

Read More

NBA Finals Game 1 GIANNIS, NAGPRAKTIS NA

IPINAHAYAG ni Milwaukee Bucks head coach Mike Budenholzer na nagsimula nang magpraktis ang injured star player ng team na si ­Giannis Antetokounmpo. Nagsagawa si Antetokounmpo ng on-court workout na hiwalay sa team’s afternoon practice kahapon, ayon sa Bucks coach. “He’s had a good day,” ani Budenholzer. “He’s making good progress.” Ngunit hindi nito sinagot ang tanong ng isang reporter kung anong espisipikong exercises ang ginawa “without pain” ng franchise player. Nagtamo ng hyperextended left knee injury si  Antetokounmpo sa Game 4 ng serye kontra Atlanta Hawks, dahilan kaya’t hindi siya…

Read More

National Trials for Road 111 SIKLISTA MAG-UUNAHAN

MAGLALABAN sa tatlong event ang may 111 siklista (98 men at 13 women) simula sa Sabado sa pagpadyak ng PhilCycling National Trials for Road sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga. Sa Day 1 (Sabado) masasaksihan ang 13 women ­cyclists na magpapaiklian ng oras ­simula alas-otso ng umaga sa distansyang 17.1 kms. Individual time trial (ITT). Matapos ang ikalawang oras, papadyak naman ang 54 men sa may kabuuang 24.6-km loop ng ITT, na siya ring ­magiging battleground ng road races sa Day 2 (Linggo). Sa hapon ng Sabado,…

Read More

ROACH GULAT SA LAKAS NI PACQUIAO

Ni EDDIE ALINEA   “IF this is how Manny hits with jet lag, I may need to get new gloves with thicker padding for our next sessions.” Ito ang nasambit ni Hall of Fame boxing trainer Freddie Roach matapos ang unang araw ng ensayo ni eight-division champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym ng una. “For only his first day in training, Manny  was incredibly sharp.  He hit hard and with a lot of poser good power,” ani Roach. Humigit-kumulang 24 oras makaraang dumating sa California, agad sumabak sa pangalawang…

Read More

PACQUIAO-SPENCE MAKASAYSAYAN

KAABANG-ABANG ang 147-pound unification bout sa pagitan nina eight division champion Manny Pacquiao at undefeated Errol Spence Jr. sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Ito ay dahil ang magwawagi sa pagitan nila ay magiging ­unang The Ring magazine’s welterweight champion sapul noong 2015, nang huling ­igawad ito kay Floyd Mayweather, Jr. Ang iba pang nagkamit ng prestihiyosong titulo ay sina boxing all-time great Henry Armstrong, Sugar Ray Robinson, Sugar Ray Leonard at Roberto Duran. Hindi naging madali ang desisyon na itaya ang naturang titulo dahil si Spence…

Read More

JAVI GOMEZ DE LIAÑO MAGLALARO SA B.LEAGUE

INANUNSIYO ng Ibaraki ­Robots ng Japan B.League kahapon na pumayag na si Javi Gomez de Liaño na maglaro para sa kanilang team. Sa tweet ng team ay sinabi nitong maglalaro na ang Pinoy cager sa 2021-2022 season ng liga. “We are pleased to announce that Ibaraki Robots has reached an agreement with Javier Gomez de Liaño in the B.LEAGUE 2021-22 season.” Mas nauna kay Javi na pumirma sa nasabing liga ang kanyang nakababatang kapatid at kapwa University of the Philippines product na si Juan Gomez de Liaño. Sila ang ikalawang…

Read More