DOE SA OIL FIRMS: ROLLBACK HUWAG TINGI-TINGI

NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa mga oil companies na ipatupad nang buo at sabay-sabay ang rollback sa presyo ng petrolyo, at huwag itong gawin nang paunti-unti.

Ayon kay DOE Sec. Sharon Garin, dapat sundin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang rollback nang tama, buo, at walang pagkaantala.

Inaasahang bababa ang presyo ng diesel ng hanggang P24.94 kada litro, gasolina ng P3.41, at kerosene ng P2.00.

Kapag naipatupad, posibleng umabot sa P107.40 kada litro ang diesel, P92.20 ang gasolina, at P138.87 ang kerosene.

Ayon sa Pangulo, mas malaki ang rollback na ito kumpara sa naunang bawas-presyo at inaasahang magbibigay ng ginhawa sa publiko.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng rollback matapos ang serye ng pagtaas ng presyo bunsod ng tensyon sa pagitan ng United States at Iran.

Hinimok din ang publiko na ireport sa DOE at Office of the President ang anumang paglabag sa implementasyon ng presyo.

(JESSE RUIZ)

105

Related posts

Leave a Comment