E-SABONG, MAGIGING PROPESYONAL AT KONTROLADO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MAGIGING propesyonal at kontrolado.

Ganyan ang sitwasyon ng e-sabong na ­matutunghayan ng bayang sabungero sa ­pinaka­h­­ihintay nilang pagbabalik nito sa bansa.

Sa ganitong paraan, ayon kay Gamefowl Affiliates of Pitmasters Philippines-Batangas President Fermin Solis, ay maiibsan ang pangamba ng publiko tungkol sa mga negatibong epekto nito sa lipunan.

Nakikita niya raw na malaki ang potensiyal ng ­industriya na lumago.

Sinabi ni Solis na naiintindihan niya na may mga batas na dapat sundin sa komunidad ng pagsasabong.

Aniya, dapat itong masunod upang maipakitang propesyonal ang e-sabong.

“Lahat naman ng bagay ay tama na mayroon ­dapat regulasyon, sapagkat tayo ay pumapasailalim sa batas. At maganda na rin naman na bagaman marami ang nakikinabang sa industriya ng [e-sabong]…dapat maipatupad ang tamang regulasyon,” sabi ni Solis.

Bunga ng modernong teknolohiya, lalago pa raw ang industriya ng e-sabong gamit ang modernong mga pamamaraan.

“Talagang nakatutulong ang modernong paraan [sa pag-unlad ng industriya ng e-sabong],” wika ni Solis.

Well, makatutulong nga naman ito sa mga beterinaryo, feed suppliers, at iba pang industriya lalo pa’t makapagbibigay muli ito ng hanapbuhay at kita sa mga Pinoy.

Kung si GAPP-Bulacan President Maw Acierto naman ang tatanungin, aba’y dapat talagang kontrolado ang paglalagay ng pera sa e-sabong dahil dinisenyo ito upang maging hanapbuhay sa ating mga kababayan.

Mahalaga ngang magamit sa tama at responsable ang pera upang makita na propesyonal ito at hindi katulad ng iba pang sugal.

Kung matatandaan, mismong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ang nagsabi na dapat magkaroon ng independent regulator ang e-sabong bunga ng naka-angklang kita rito.

Siyempre, dapat magkaroon ng oras ng paglalaro at kontrolado ang pusta, gayundin ang pagkakaroon ng regulasyon upang mapataas ang tiwala at kumpiyansa rito ng publiko.

Hindi maitatanggi na nasa P640 milyon kada buwan ang kinikita ng gobyerno mula sa e-sabong nitong 2022 bago ito ipinasara.

Katunayan, nakalikom din ang PAGCOR ng P2.03 bilyon sa unang anim na buwan ng taon na inamin mismo ng kanilang chairperson at chief executive na si Ma’am Andrea Domingo.

157

Related posts

Leave a Comment