KYLIE PADILLA NAKARAMDAM NG TAKOT SA BAGONG KARAKTER

(WALLY PERALTA)

TAKOT ang naramdaman ni Kylie Padilla sa bago niyang role sa pelikulang “Unravel.”

Kabaligtaran ito sa “Bolera” na excitement naman ang na-feel niya sa kanyang role bilang isang babaeng player ng bilyar.

First time nilang pagtatambal ng Kapuso hunk actor na si Gerald Anderson, sa “Unravel”.

Sa unang shooting day pa lang niya na tila sa isang airport ang venue ay nag-post si Kylie ng kanyang naramdaman sa bagong pelikulang ginagawa.

“One thing I can say without saying too much is this character scared me but this story already holds a special place in my heart. See you soon Lucy. #Unravel,” ang say ni Kylie.

Maraming followers ni Kylie ang nagkomento na malamang ay naninibago lang daw ang kanilang idolo sa shooting ng kanyang movie, since almost 5 years din siyang hindi nakagawa ng movie.

Ang huling pelikulang ginawa ni Kylie ay ang trilogy na ‘Triptiko’ last 2017.

Kaya ganun na lang ang labis na pasasalamat ni Kylie sa GMA 7 na nagbigay sa kanya ng chance na umarte ulit via the sport serye ‘Bolera’ at nabalik ang confident niya sa sarili bilang isang aktres.

“I had a sense of pride in my work. I’m just so grateful and full of gratitude that I came back and GMA gave me another chance and they trusted me again,” ang dagdag na say pa ni Kylie.

178

Related posts

Leave a Comment