9 TRIKE, 1 MOTORSIKLO INARARO NG MVP VAN, 5 SUGATAN

LAGUNA – Lima ang sugatan matapos araruhin ng isang Hyundai Stargazer MVP van ang siyam na tricycle at isang motorsiklo sa intersection ng Maharlika Highway at Miguel Leonor St., Brgy. II-E, San Pablo City, noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa na imbestigasyon ng San Pablo City Police, bandang alas-8:45 ng umaga, nakahinto ang mga tricycle at motorsiklo dahil sa traffic light nang biglang mawalan ng kontrol ang van na minamaneho ng retired employee na si Lina Baraoidan Torrizo, 71-anyos, at inararo ang mga nasa unahan nito.

Makikita sa CCTV footage na matapos mag-go ang traffic lights, umabante ang MPV ngunit sa hindi inaasahang dahilan, nawalan ng kontrol at sumalpok sa nakahintong mga sasakyan.

Kabilang sa mga sugatan ang mga tricycle driver na sina Joel Fontamilla Nuesca, Alfredo Chumacera Adoreno, June Mark Paul Custodio, at Edwardo Sicat, pati na rin ang pasaherong si Jean Arian Peñaloza.

Agad silang isinugod sa San Pablo District Hospital ng nagrespondeng mga tauhan ng CDRRMO upang malapatan ng lunas.

Samantala, hindi naman nasaktan ang driver ng van na iniimbestigahan na ang pananagutan sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)

46

Related posts

Leave a Comment