(NI ABBY MENDOZA)
ITINUTULAK ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang pagkakaroon ng Food Security Fund natutugon umano para masolusyunan ang problema sa pagkain sa bansa gayundin ang malnutrisyon.
Sa ilalim ng House Bill 1350 na inihain ni Castelo ay lilikha ng Office of National Food Security sa ilalim ng Office of the President, ang nasabing ahensya ang siyang mangangasiwa sa Food Security Fund kung saan manggagaling ang pondo para sa suporta at pag-finance sa mga proyekto at programa ng gobyerno na tumutugon sa kakulangan ng suplay ng pagkain sa bansa.
Ayon kay Castelo, malaki ang problema sa pagkain kaya kung may ahensyang tututok dito ay tiyak na mabibigyan ito ng pansin.
Nabatid na P20 bilyon ang pondong kailangan para maisakatuparan ang mga food sufficiency at food security programs.
Maliban sa tugunan ang kakulangan ng suplay ng pagkain, layunin din ng panukala na tugunan ang problema sa malnutrisyon at kagutuman.
Sa kasalukuyan ay aabot sa 9.3 million ang mga pamilyang Pilipino na maituturing na ‘food-poor’ habang 7.36 million na mga kabataan na may edad lima pababa ang malnourished.
148