FPJ PANDAY BAYANIHAN ISA SA LEADING PARTY-LIST

(SINAMAHAN ng aktor na si Coco Martin ang mga nominado ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa pag-iikot sa mga bayan ng Calasiao, Dagupan, Sto. Tomas, Basista at San Carlos sa kick off rally kamakailan.)

PATULOY na umaangat sa party-list surveys ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na pinangungunahan ni Brian Poe.

Base sa survey ng OCTA Research, tumaas mula ika-101 puwesto patungo sa ika-4 na ranggo ang FPJ Panday Bayanihan.

Sa Tugon ng Masa survey na isinagawa mula Enero 25 hanggang 31, nakakuha ang FPJ Panday Bayanihan ng 3.84 porsyento, dahilan upang mapabilang ito sa nangungunang party-list groups.

Mula sa 155 party-list organizations, napabilang ang FPJ Panday Bayanihan sa 15 grupo na nakakuha ng higit sa dalawang porsyento, na nagsisiguro ng kahit isang puwesto sa Kongreso.

Ang survey ay may 1,200 respondents at may ±3 porsyentong margin of error.

“Ito ay patunay ng tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa serbisyong hatid ng Poe. Ang paniniwalang ito sa amin ang nagsisilbing inspirasyon sa aming hangaring magbigay ng dekalidad na serbisyo,” ani Poe.

Layunin ng FPJ Panday Bayanihan Party-list na magbigay ng inspirasyon sa pagkakaisa, kaunlaran, at sama-samang responsibilidad ng bawat Pilipino. Ang adhikain nito ay nakaugat sa tradisyon ng bayanihan—ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa.

Marami nang natulungan ang grupo, kabilang ang mga nasalanta ng bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, lindol, at maging ang mga naapektuhan ng pandemya. Kamakailan, matagumpay nilang isinagawa ang kanilang star-studded kickoff rally sa San Carlos, Pangasinan.

32

Related posts

Leave a Comment