HILING NG COMELEC: MAY 12 GAWING HOLIDAY

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Malakanyang na ideklarang holiday ang Mayo 12, ang araw ng halalan sa buong bansa.

Ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makapili ng kanilang kandidato sa araw ng halalan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ito ay para mabigyan din ang mga botante ng pagkakataon at mahikayat na bumoto sa nasabing araw.

Kung idedeklarang holiday ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nasabing petsa maraming mga manggagawa ang hindi na magmamadali para pumasok sa trabaho.

Nilinaw ni Garcia na kinakailangan ng isang opisyal na deklarasyon o proklamasyon mula sa Malacañang o Office of the President upang gawing holiday ang araw ng halalan, gaya ng ginawa sa mga nagdaang eleksyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

45

Related posts

Leave a Comment