Hirit ng dating executive secretary ACCOUNTABILITY SA HALOS P800-B ‘PORK’ NG MARCOS ADMIN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

DAPAT makialam ang mamamayan lalo na pagdating sa usapin ng pondo ng pamahalaan na hindi malinaw kung paano o saan gagastusin.

Sa Hakbang ng Maisug: Defend the Flag, Freedom Concert and Peace Rally sa Angeles, Pampanga, inihayag ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ang pangamba sa budget ng gobyerno lalo pa’t huhugutin ang kalahati nito sa utang.

Giit ni Rodriguez, sa kabila ng pahirap nang pahirap na buhay ng mga Pilipino, nagawa pa ng pamahalaan na magsingit ng P800B humigit kumulang unprogrammed funds sa 2024 national budget na tanging presidente ang may karapatang mag-release.

“So walang transparency, hanggang ngayon hindi nila tinutugunan ito. Saan gagamitin ang P800B samantalang humigit kumulang ng kalahati ng 5.7T ay inutang na,” bahagi ng pananalita ni Rodriguez.

Paalala pa niya, “P800-B hindi libre kundi bahagi rin ng inutang na babayaran natin hanggang sa susunod na salinlahi. Pero walang malinaw na pananagutan sino magdidisburse nito, paano o saan gagastusin ito? at sino ang may malinaw na pananagutan kapag ginamit sa malinaw na graft and corruption”.

Dahil dito, mahalaga aniya ang mga pagtitipon na ginagawa ng Hakbang ng Maisug upang mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa mga nangyayari sa lipunan.

“Ang hakbang ng maisug is not just about igniting the passion of every Filipino to be patriotic. Hakbang ng Maisug ay kinakailangan ipaabot namin sa inyo ang mga tunay na isyung kinakaharap ng ating bansa ngayon. Because we believe in Hakbang ng Maisug that igniting your passion, igniting your patriotism without us informing you of the real issues at hand will be a great disservice.

Kaya po ginagawa natin ang Hakbang ng Maisug hindi lamang dito sa Pilipinas kung saan tayo ay pinipigilan magpahayag ng ating saloobin, kung saan tayo’y sinisikil na payapang magtipon-tipon, kaya tayo ay nagpupunta na rin sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan may Pilipino,” ayon pa kay Atty. Rodriguez.

Matatandaang sinabi ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, na makabubuting kwestyunin sa Korte Suprema ang legalidad ng unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 national budget.

Nitong Enero ay inaprubahan ang P5.768 trillion 2024 budget kasama ang nasa P449.5 billion na unprogrammed fund.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinalobo sa Bicameral Conference committee ang Unprogrammed Appropriations ni Marcos dahil mula sa P281 billion na inaprubahan ng

Mababang Kapulungan ay dinagdagan ito ng P449 billion kaya umaabot ito ngayon sa P731.45 billion.

“Higit doble ang inilaki ng unprogrammed funds para sa susunod na taon mula sa P281 billion sa House version patungong P731.45 billion. Napakalaking standby pork nito na nasa kontrol ng Pangulo, mas malaki pa sa pinagsamang badyet ng DOLE, DSWD at DOH,” ani Brosas.

178

Related posts

Leave a Comment