ILOG-PASIG PASOK SA WORLD’S TOP PLASTIC POLLUTER

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang pagkakasama ng Ilog Pasig at 18 iba pang ilog sa bansa sa listahan ng ‘World’s Top Plastic Polluter’.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang ganitong usapin ay hindi aniya dapat ipagmalaki.

“Well, nakakalungkot po iyan, that is not something na we should be proud of. Dati nga po ay mayroon pa tayong komisyon just on Pasig River, pero wala ring nangyari,” ani Sec. Roque.

Para sa kanya, talagang kinakailangan na ipatupad ang existing laws, ipatupad ang obligasyon ng mga water concession agreements na magkaroon talaga ng wastewater treatment at ipatupad ang pagbabawal sa pagtatapon ng kahit anong nakasisira sa kalikasan sa Pasig River.

“It is a test of our law enforcement capability ‘no, pero ito po ay problema nga that has existed for many, many years now ‘no. Pero I’m hoping that with this badge of dishonor eh baka po maging radikal din ang mga hakbang na gagawin ng ating gobyerno para malinis na once and for all, iyang Pasig River na iyan,” ayon kay Sec. Roque.

Batay kasi sa pag-aaral na isinagawa ng Ocean Cleanup, isang non-profit organization, na tumututok sa paglilinis ng mga karagatan sa pamamagitan ng pag-develop ng teknolohiya upang maalis ang mga polusyong plastic sa mga anyong tubig na kabilang ang Ilog Pasig at 18 iba pang ilog sa bansa sa listahan ng ‘World’s Top Plastic Polluter’.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Ocean Cleanup, nabatid na 20% ng 80% na plastic pollution sa buong mundo ay mula sa Pilipinas.

Mula sa 1,656 na ilog na minomonitor na itinuturing din na plastic waste contributor, 466 ay mula sa bansa.

Ayon sa grupo, aabot sa 356,371 metriko toneladang plastic ang nakokolekta sa mga ilog sa buong mundo, kada taon.

Sa nabanggit na bilang, 63,000 tonelada ang mula sa Ilog Pasig. (CHRISTIAN DALE)

729

Related posts

Leave a Comment