IMPROVISED BAG NG MGA ESTUDYANTE SA QUEZON KINATUWAAN

PATOK ang event na isinagawa ng isang secondary school sa Sariaya, Quezon dahil naging kwela ang kanilang No Bag Day o hindi pagdadala ng mga tradisyunal na bag sa kanilang pagpasok.
Nakita ang ‘wittiness’ at ‘creativeness’ ng mga mag-aaral mula sa Saint Joseph Academy of Sariaya, Quezon (SJASQ) na nagdulot ng kasiyahan sa mga sumaksi sa programa at maging sa mga netizen na nakita ang event sa social media page ng eskwelahan.

Sa nasabing aktibidad, kailangang magdala ng mga mag-aaral ng ‘unusual bags’ o kakaibang bag na maaaring paglagyan ng kanilang mga gamit sa eskwelahan.

“As a part of the season of creation celebration, Josephinians brought unusual bags to carry their books, portfolios, and food,” ayon sa Facebook caption ng SSG – Saint Joseph Academy.
Kaya naman kanya-kanyang pakulo ang mga estudyante.

Ang ilan ay nagdala ng bayong, ice box, oven, maleta, timba, unan, kaldero, mga lumang kahon at ang pinakamatindi sa lahat, case ng beer at kulungan ng manok.
Tinawag din nila ang event na “the season of creation celebration”.

“This season of creation is a season to remember!” Ayon pa sa SJASQ. (NILOU DEL CARMEN)

271

Related posts

Leave a Comment