INFO FARMING

MABUTI naman at binigyan ng Malacanang ng atensyon ang ‘information farming” na ginagawa ngayon, hindi lamang ng mga ahensya ng gobyerno kundi ng pribadong sektor, ngayong panahon ng pandemya.

Bago ka makapasok sa isang establishment, kailangang magfill-up ka muna sa form na ibibigay sa iyo.

Isulat mo run ang complete address mo, contact number, email address at siyempre pangalan mo.

May mga guwardya ang masyadong mahigpit, magpapakita ka ng ID para i-check kung tama ba ang im­pormasyon na isinulat mo sa form nila, Naninigurado sila masyado.

Kailangan daw yun para kapag nagkaroon ng covid-19 case sa kanilang ­establishment, kokontakin ka nila kung nakasalamuha mo. contact ­tracing ang tawag dito.

Maganda naman yun para masiguro na hindi na magkalat pa ang covid-19 na masyado nang nagpahirap sa ating lahat.

Pero ang problema, pagkalipas ng ilang araw o linggo, makakatanggap ka na ng katakot-takot na advertisement sa iba’t ibang kumpanya, hindi lamang sa inyong mobile phone kundi sa inyong email address.

Mabubuwisit ka dahil kahit hating gabi ay tutunog ang mobile phone mo at akala mo emergency pero pagbasa mo, advertisement o kaya nag-aalok ng pautang sa iyo.

Ang iba naman, ayaw pa rin tumigil sa kanilang modus…. Magtetext sayo na nagkamali raw siya sa pagpapadala ng load sa kanyang nanay, kapatid o kaibigan kaya babawiin niya ang ipinadalang load sa iyo at sundin lang daw ang instruction na ipapadala sa iyo.

Yung iba naman sisingilin ka ng utang mo raw sa kanila dahil kung hindi ay ipapapulis ka. Paano ka magkakautang sa kanila eh wala ka namang pinagkakautangan?

Magtataka ka kung bakit alam ng kumpanyang yun ang mobile phone number mo o maging ang email address mo? Paano nila nakuha ang mga impormasyong ito tungkol sa iyo?

Nagkakaroon ba ng katarantaduhan sa paghawak sa impormasyon na gina-gather ng establishment sa mga customer nila?

Ipinapapamahagi ba nila ang mga impormasyong nakuha nila sa ibang kumpanya o mga taong utak kriminal?

Lahat ba ng mga opisyales at empleyado kasama na ang guwardya ng isang ­establishment na kumuha ng impormasyon sa kanilang customers ay may access sa form na finil-apan ng kanilang customers?

Kung nangyayari yan, huwag na tayong magtaka na mawawalan tayo ng privacy mula sa kumpanya na gustong makabenta ng kanilang produkto kasi may access na sila sa iyo.

Ang masama pa nyan kung mapunta sa kamay ng mga sindikato ang impormasyong nag-gather ng mga establishment eh mas ­manganganib ang mga tao sa info farming na ito na ginagawa ng lahat dahil sa pandemya.

Hindi ba noon may mga impormasyon na ibinebenta ang mga cellphone number ng mga tao sa mga advertisers kaya pinepeste ka ng advertisement sa iyong mobile phone.

Kailangang seryosohin ng gobyerno ang pagprotekta sa privacy ng mga tao lalo na ngayong isang click na lang ang takbo ng buhay ngayon.

81

Related posts

Leave a Comment