Balitang ‘di Kanais-nais ni Cesar Barquilla
SA kabila ng pagiging busy ng National Bureau of investigation (NBI) sa usaping pag-aresto kay Senator Bato Dela Rosa, ay sobrang busy rin ang Club Apeiro One na matatagpuan malapit sa Baclaran Church sa Pasay City.
Tila sinasamantala ng may-ari ng Club Apeiro ang pagiging abala ng NBI partikular ang director ng ahensiya na si Atty. Melvin Matibag, kung kaya’t walang takot ang namamahala rito sa pagpapalabas ng malalaswa tulad ng bold show, meron ding bar fine.
At take note, mga Ka-Balitang ‘di Kanais-nais, bukod sa bigtime businessmen ang mga naloloko sa Club Apeiro, ay halos mga foreigner ang mga kliyente. Hindi lang matumbok ng ating source kung ang transaksyon na ginagawa sa loob ay usaping may kinalaman sa ipinagbabawal na droga.
Ayon sa source ng Ka-Balitang ‘di Kanais-nais, malakas ang loob ng may-ari ng Club Apeiro One dahil sa basbas ng isang administration senator na sinasabing part owner din umano ng club.
Posibleng dahil kay admin senator kung kaya’t maging ang NBI na pinamumunuan ng magiting na Director Atty. Matibag ay hindi kayang tibagin ang Club Apeiro at maging ang liderato ng PNP ay hindi umubra sa tibay nito. Palagay ng mga Ka-Balitang ‘di Kanais-nais ay si DILG Secretary Jonvic Remulla ang kasagutan para maisara ito. Kaya mo ba Sec. Jonvic?
Bigyan natin ng konting background kung sino itong admin senator, eto po, siya ay paborito ng media dahil mahilig ito sa publisidad, number 1 kung bumatikos sa kampo ng mga Duterte at super powerful ang hinawakang committee sa Senado noong hindi pa SP si Alan Cayetano, dating kalaban ng katiwalian noong panahon pa ng yumaong Pangulong PNoy at FPRRD.
‘Di lang natin alam kung pinoprotektahan din ni admin senator ang The Bay Club, White Bird, isama na rin ang Cove Sauna Bath and Spa sa Pasay City na halos katabi lang ng Baclaran Church. Halos parehas ang kalakaran ng laman ang nabanggit na mga club kung kaya’t walang takot sa kailegalan, posible ring may kalakaran din ng ilegal na droga?
Palagay naman ng mga Ka-Balitang ‘di Kanais-nais, wala nang say itong si admin senator sa mga club sa Parañaque dahil may malalakas na padrino ang mga may-ari nito mula sa hanay ng PNP at lokal na pamahalaan, ang Apollo World Class KTV Bar, La Party Club, Nepenthe Entertainment and KTV Bar at marami pang iba. ‘Di lang natin alam kung totoo na malakas ang mga ito sa NBI kaya’t walang nagaganap na raid.
Naniniwala ang mga Ka-Balitang ‘di Kanais-Nais na hindi ito palalampasin ng butihing director ng NBI, maging ng tanggapan ni DILG Sec. Remulla. Bukas makalawa, isang press conference ang isasagawa dahil sa ginawang raid sa mga bahay aliwan, ‘yung tulad ba sa ginawang pagpapasara sa club ni dating DENR Secretary at Congressman Mike Defensor.
95 