KUMPISKADO ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang P7.3 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa karagatan ng Brgy. Manalipa, Zamboanga City, kamakailan.
Ang BOC-POZ, sa pakikipagtulungan sa 2nd Zamboanga City Mobile Force Company “Seaborne” at W2 Tactical Operations Wing Western Mindanao, Philippine Airforce, ay nagsagawa ng pinagsanib na maritime patrol operation na nagresulta sa pagkakaharang sa isang wooden motorized watercraft, na mas kilala bilang “jungkong”, na may marka bilang “FB Hayarana”.
Ang jungkong ay naglalaman ng 203 master cases at 66 reams ng iba’t ibang sigarilyo na may magkakaibag brands: Modern, New Far, Fort, Cannon at San Marino.
Ang anim na crew members ay nabigong magpakita ng mga dokumento na magpapatunay na naaayon sa batas ang kanilang importasyon ng subject cigarettes, at pagdadala nito sa Zamboanga City.
Sinabi naman ni District Collector Arthur G. Sevilla, Jr., ang kanilang pinalakas na maritime operations ay bahagi ng pangako ng POZ para pigilan ang smuggling sa ZAMBASULTA region.
Ito ay naaayon sa direktiba ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio para sa pagpapalakas ng kampanya ng BOC laban sa smuggling and iba pang pandayara sa customs.
Ang nasabat na bangkang de motor ay isinailalim sa kustodiya ng BOC para sa kaukulang disposisyon dahil sa paglabag sa Section 1113 (a) ng RA 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016 na may kaugnayan sa Section 117 at “Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations.”
(JOEL O. AMONGO)
