PAGBABAGO SA BOC-SUBIC ASAHAN NA

IMBESTIGAHAN NATIN
Ni JOEL O. AMONGO

MAY aasahan tayong pagbabago sa Bureau of Customs Port of Subic sa bagong pamumuno ni Ma’am District Collector Carmelita Talusan.

Nasubaybayan natin ang pamunuan ni Collector Talusan mula sa kanyang pinanggalingang BOC-NAIA na kung saan ay marami siyang accomplishments dito.

Mula sa mga tangkang pagpupuslit ng dolyar, ilegal na droga, endangered species, halaman, ang mga ito ay hindi nakalusot sa kanyang maayos na pamumuno.

Kaya naman kaliwa’t kanan ang natanggap na papuri ng BOC-NAIA mula sa international community, stakeholders at iba pa dahil sa maganda nilang performance.

Hindi rin nagpahuli ang BOC-NAIA sa ilalim ng pamumuno ni Ma’am Talusan pagdating sa revenue collection performance. Naging matagumpay ang BOC-NAIA sa revenue collection, border protection at trade facilitation goals.

Malaki rin ang kanilang naging papel nitong nakaraang kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 pandemic kung saan idinadaan sa kanila ang mga bakuna mula sa iba’t ibang bansa para sa Pilipinas.

Kaya naman sa paglipat ni Ma’am Talusan sa Port of Subic ay asahan na natin ang maraming pagbabago lalo pagdating sa diskarte sa revenue collection, border protection at mabilis na kalakalan sa pwerto.

Pangako ni Collector Talusan na prayoridad niya ang promosyon ng ‘Ease of Doing Business’ sa Port of Subic para makaakit ng mas maraming investments ang bansa.

Nakipag-partner siya sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa mabilis na kalakalan, border protection, at para sa maayos na pagkolekta ng duties and taxes.

Hindi rin nakalimutan ni Collector Talusan ang kanilang social responsibility tulad ng kanilang isinagawang outreach activity noong Hunyo 17, 2023 sa Aeta community sa pamamagitan ng livelihood, health and educational activities.

Ito rin ay parte ng kanilang 30th anniversary month-long celebration, isang saklaw ng mga aktibidad na nakaplano.

Nagkaroon din ng isang wellness at fitness program na binuo na nagtatampok ng Port of Subic “Olympix” na may Marksmanship Training session kasama ang World Champion na si Jethro Dionisio na isinagawa noong Hunyo 19, 2023, pati na rin ang kick-off ng Fun Run at Bike Ride na gaganapin sa Hunyo 24, 2023. Ang mahabang selebrasyon ng Port of Subic siyempre, ay dinaluhan ng bago ring boss ng BOC na si Commissioner Bienvenido Rubio at SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan at mga kinatawan mula sa iba pa nilang partner agencies.

Siyempre, kailangan ni Maam Talusan ng moral support mula sa kanyang boss na si Comm. Rubio.

Good luck po, Madam District Collector! Hangad po namin ang inyong tagumpay sa bago n’yo pong pwesto sa BOC-Subic. Mabuhay po kayo!

Para sa sumbong at suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

288

Related posts

Leave a Comment