LAGUNA – Patay ang isang jeepney driver matapos tarakan ng jungle bolo ng isang binata habang nasa isang sugalan sa Barangay Sta. Isabel, San Pablo City noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Ronaldo Magnaye Salvania, 47, residente ng Barangay Concepcion.
Ayon sa ulat ng San Pablo City Police Station, nasa sugalan ang biktima nang bigla na lamang siyang inundayan ng saksak ng 23-anyos na suspek na si “Cesarick”, isang construction worker, residente ng nasabi ring barnagay.
Matapos ang krimen, agad na tumakas ang suspek patungo sa madilim na bahagi ng lugar.
Isinugod naman ang biktima sa Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng San Pablo City Police Station – SWAT na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa suspek. (NILOU DEL CARMEN)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)