‘KILL THREAT’ NI DU30 PINAIIMBESTIBAHAN SA NBI

SINISERYOSO ng mga administration congressman ang anila’y ‘kill threat’ ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador kaya hiniling ng mga ito sa National Bureau of Investigation (NBI) na silipin ito.

Ginawa ng mga mambabatas ang pahayag dahil sa talumpati ni Duterte sa kickoff rally ng kanyang mga senatorial candidate sa San Juan City kamakailan, na kung saan iminungkahi ng dating pangulo ang radikal na paraan upang matiyak na mananalo ang kanyang mga kaalyadong kandidato.

“Anong dapat nating gawin? Eh di patayin na natin ang mga senador para magkaroon ng bakante. Kung makapatay tayo ng 15 senador, makukuha natin silang lahat,” bahagi ng talumpati ni Duterte.

Idinagdag pa nito na “kung tutuusin, baka ang tanging paraan lang talaga ay pasabugin (ang mga senador),” na sinalubong naman ng malakas na hiyawan at palakpakan ng kanyang mga supporter na sabay-sabay sumigaw ng “Kill! Kill! Kill!”

Labis namang ikinabahala ang mga pahayag na ito ni Lanao del Sur representative Zia Alonto Adiong dahil hindi umano maaaring seryosohin ito kaya nararapat lang na imbestigahan ng NBI at magsampa ng kaso kung kinakailangan sa lalong madaling panahon.

“In a democracy, words have power—especially when they come from someone who has held the highest office in the land. If certain statements warrant legal scrutiny, it is imperative that all similar declarations be assessed fairly and consistently,” Ani Adiong.

“Kung ang pagsabi ng bomb joke ay bawal sa batas at may kaakibat na kaparusahan, lalo na dapat iyong banta na magpapatay ka ng 15 senador,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon naman kay Taguig congressman Amparo Maria Zamora, ginawa na rin ni Duterte ang ganitong mga pahayag noong kasagsagan ng ‘war on drugs’ na naging hudyat para sa malawakang mga extra-judicial killing (EJK).

“This is beyond reckless. A former president joking about murder is unacceptable. Words like these from a leader have real consequences. Enough is enough. We cannot allow our leaders, past or present, to keep making murder sound like a policy option,” mariing batikos ni Zamora. (PRIMITIVO MAKILING)

37

Related posts

Leave a Comment