PLASTIKAN SA SENADO, IKINADISMAYA NI SEN. ERWIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO

IBINASURA ng Senate Electoral Tribunal noong Lunes (Okt.19, 2026) ang mosyon na buhayin ang petisyong naglalayong patalsikin si Senator Erwin Tulfo bilang senador.

Matatandaang naghain ng petisyon ang isang abogadong natanggalan ng lisensiya na si Berteni Cataluña Causing upang paalisin sa pwesto si Sen. Erwin dahil sa isyu ng kanyang nationality at iba pang usapin na nagsasabing hindi umano siya nararapat na maging opisyal.

Sa botong 6-3, ibinasura ang petisyon, kung saan hindi sang-ayon sina Senators Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, kasama ang 3 pang Supreme Court justices, na patalsikin si Sen. Erwin sa pwesto.

Hindi naman napigilan ni Sen. Erwin na magpahayag ng kanyang naramdaman sa pagboto ng dalawa sa kanyang itinuturing na “kaibigan” na senador.

Hindi na umano siya nagulat nang pumabor si Sen. Pia Cayetano sa pagpapatalsik sa kanya pero nagulat at nadismaya siya nang malamang pumabor din dito sina Sen. Camille Villar at Sen. Robin Padilla.

Mantakin ninyo, nakikipagbiruan pa umano at nakikipagyakapan pa sa kanya si Sen. Camille at ganoon din si Sen. Robin at nagtatawagan pa umano silang “insan” dahil sa kaugnayan nila sa pamilya.

Kulang na lang ay sabihin ni Sen. Erwin na plastik itong sina Sen. Camille at Sen. Robin. Kahit naman siguro sa akin mangyari ‘yun ay ganun din ang iisipin at mararamdaman ko. Dahil pagtalikod ko pala ay baka minumura ako ng mga ito.

Pero nilinaw naman ni Sen. Erwin na hindi niya mapipigilan kung ganun talaga ang gustong iboto ng dalawang senador. Karapatan daw ng mga ito ang bumoto nang naaayon sa gusto nila.

Sabi tuloy ng netizens, kung eligibility lang ang pag-uusapan e mukhang ‘yung mga bumoto ang dapat mapatalsik, hindi lang sa mga kasong kinahaharap o kahaharapin ng mga ito kundi ang malinaw at tahasang pagtalima ng mga ito sa sinumpaang tungkulin sa bayan.

Mapapansin kasing hayagan ang pagdepensa o pagtatanggol ng 3 senador sa dating Pangulong Duterte at VP Sara, kung saan sila inaasahang maging patas at walang pinapaboran

Pero sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Ping Lacson na nakikita nitong may iba pang dahilan ang tatlong kasamahan sa pagboto ng pagsang-ayon sa pagpapatalsik kay Sen. Erwin dahil kung legalidad lang ang pag-uusapan ay wala namang saysay na ang petisyon ng disbarred na abogado dahil na-dismiss na ito ng Comelec dati pa. At sa isyu ng naman ng political dynasty ay hindi pa naman naisasabatas ito.

65

Related posts

Leave a Comment