KONTRIBUSYON SA SDG PALAKASIN – WFC

HINIKAYAT ng grupong Withdraw from Coal (WFC) ang pamunuan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na palakasin ang kanilang kontribusyon sa Sustainable Development Goals (SDG) at tugunan ang ‘climate emergency’ sa paggawa ng mga polisiya.

Ang paghikayat ay kasunod ng pagtatapos ng isinagawang taunang pagpupulong ng mga stockholder kung saan ay iniulat ni BPI president Cezar Consing ang kanilang naging ‘achievements’ sa 4 SDG, kabilang ang pagsusulong ng clean energy.

Ipinagmalaki ni Consing, nakapagtala sila ng highest growth, kabilang ang power generation loan portfolio na 44%, maging sa pagsusulong ng clean energy accounts sa 17% ng SDG-related loans nito sa nakalipas na pitong taon.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang advocacy  group sa ipinakitang pagsisikap na dagdagan ang pamumuhunan at serbisyong pinansiyal sa ‘renewable energy sector.”

“But we hope that the bank realizes that unless it also puts a stop to its contributions to the proliferation of dirty energy from coal, the suffering of both our people and our Common Home only worsens,” ayon kay Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese ng San Carlos.

Aniya, ang BPI ay nananatiling isa sa mga biggest local financier ng coal, na nagpapautang ng 24.9% mula 2017 hanggang 2019 sa ‘coal developers’ sa bansa.

Bago ang isinagawang taunang stakeholders meeting, maraming stakeholder ng bangko kabilang na ang Simbahan, mga CSO depositor at BPI union workers ang umapela sa BPI na tuparin ang kanilang `green commitments’ at pangunahan ang financial sector sa transisyon tungo sa low-carbon energy at sustainable practices.

“Continued coal funding means disaster for our people and the planet; BPI must realize this and withdraw from coal now,” dagdag pa ng obispo. TJ DELOS REYES

216

Related posts

Leave a Comment