ISASAKRIPISYONG PROYEKTO, IPINADEDETALYE

IPINADEDETALYE ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga proyektong nakalinya ngayong taon na hindi na itutuloy ng gobyerno at gamitin ang nakalaang pondo rito sa paglaban sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay House committee on public accounts chairman Mike Defensor, kailangang pangalanan ng DBM ang mga proyektong hindi na itutuloy upang hindi na umasa ang publiko.

“That way, people will know if a funded program, activity or project would no longer be undertaken. At least, they would not expect it to materialize this year,” ayon sa kongresista.

Nabatid na 30% sa mga nakalinyang proyekto ngayong taon ang hindi na itutuloy ng gobyerno upang magamit sa paglaban sa COVID-19 ang pondong nakalaan sa mga imprastraktura nito.

P41.8-B HUWAG NANG I-DONATE

Bukod sa 30% sa mga proyekto, kasama rin sa austerity measure ng gobyerno upang makalikom ng pondo na panlaban sa COVID-19, ay babawasan din ng 10% ang P1.6 Trillion maintenance and other operating expenses (MOOE).

Gayunpaman, sinabi ni Defensor na hindi lang dapat bawasan kundi huwag nang ituloy ng gobyerno dahil hindi naman umano ito kailangan tulad ng P41.8 Billion na nakalaan para sa donasyon ng estado sa ibang nasyon kapag nangangailangan ng tulong ang ibang bansa.

“Why should we spend P41.8 billion for donations when our hospitals are begging for personal protective equipment (PPE) from private donors? We might as well spent that money for PPE items like face masks and shields, and protective suits, thelack of which is exposing our health workers to danger,” ani Defensor.

Kabilang din sa inirekomenda ng mambabatas na tuluyan nang ipatupad o kaya bawasan ng higit sa 10% ay ang training and scholarship na umaabot sa P32.9 billion, P108.3 Billion para sa supplies and materials; P5.2 Billion na representation funds; P29-B para sa pagkuha ng consultants; P10.7 billion para sa communication; P3 Billion para sa advertisement; P4.1 Billion para sa subscription; P1.9 Billion na printing and publication funds at P2.4 Billion na para sa kontribusyon ng gobyerno sa mga organisasyon. BERNARD TAGUINOD

352

Related posts

Leave a Comment