KOREANO TIMBOG SA INVESTMENT SCAM

NADAKIP ang isang Korean national na sangkot sa investment scam sa kanilang bansa, nang matunton ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD), sa Malate, Manila.

Base sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, inaresto ang suspek base sa koordinasyon sa Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU).

Kinilala ang suspek na si Kim Yooshik alyas Kim Yoosik, na matagal na umanong naninirahan sa bansa.

Sinabi ni Consul Yun Wonchang ng Korean Embassy, sa opisyal nitong pakikipagkomunikasyon, ang suspek na isang takas na pugante, ay banta sa seguridad ng bansa.

Sa tulong ng Interpol Blue, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Article 347 – (1) ng Criminal Act ng Korea, dahil sa investment scam noong Oktubre 14, 2008 kung saan nakapanloko umano ito ng KRW 10,000,000 sa mga biktimang kababayan.

Bukod dito, may kinahaharap din ang suspek na mga kasong estafa, falsification of public documents, malicious mischief, grave threat, damage to property, at human trafficking.

(RENE CRISOSTOMO)

79

Related posts

Leave a Comment