LASING NA RIDER PATAY SA SEMPLANG

QUEZON – Patay ang isang binata nang tumama sa gutter ang minamaneho nitong motorsiklo at bumaliktad sa Brgy. Ayuti, sa bayan ng Lucban sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Peejay De Veluz, 18-anyos, residente ng Barangay Tiawe.

Ayon sa report ng Lucban Police, mag-aalas-8:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kurbadang daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang biktima.

Sumalpok ang motorsiklo sa gutter kaya tumilapon ang biktima at bumagsak sa palayan sa gilid ng kalsada.

Grabeng napinsala ang katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Napag-alaman ng mga imbestigador na galing ang biktima sa halos magdamag na pakikipag-inuman sa mga kaibigan nang mangyari ang sakuna. (NILOU DEL CARMEN)

65

Related posts

Leave a Comment