May tribute ang Cultural Center of the Philippines sa Italian conductor na si Maestro Ruggero Barbieri na pumanaw na noong Marso 20, 2022.
Si Barbieri ay naging Musical Director at Principal Conductor ng Philippine Philharmonic Orchestra mula 1996 hanggang 2004 at unang foreign conductor na humawak ng naturang posisyon sa dalawang magkasunod na termino, na nagbigay sa resident orchestra upang umaangat nang husto at kinilala sa much-acclaimed Asian and European tours.
Ipinaaabot ng CCP sa pamilya ni Maestro Barbieri ang taos-pusong pakikiramay.
Ang memorial mass at tribute ay magiging streamed live sa CCP Office of the President, at sa PPO Facebook Pages sa Abril 1, 2022, sa ganap na alas-6:00 ng gabi.
494