PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang registration period para sa local absentee voting (LAV) mula Marso 7 hanggang Marso 17, 2025.
Sa isang resolusyon na inilabas noong Lunes, inilipat din ng poll body ang deadline para sa pag-verify ng mga nagparehistro ng LAV mula Abril 8 hanggang Abril 11.
Itinakda sa Abril 27, 2025 ang pagpapadala ng listahan ng mga kwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at ang iba pang election forms.
Kabilang sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at media practitioners na duty sa mismong araw ng halalan.
Ang mga tauhan ng gobyerno, at mga miyembro ng AFP at PNP ay dapat magsumite ng kanilang mga form sa kanilang mga pinuno ng mga tanggapan, superbisor, kumander, o mga opisyal, officers next-in-charge.
Samantala, ang mga tauhan ng media ay dapat magsumite ng kanilang mga LAV form sa Office of the Regional Election Director para sa NCR, Office of the City Election Officer, o Office of the Provincial Election Supervisor.
Ang panahon ng pagboto para sa mga absentee voters ay magsisimula sa Abril 28 hanggang Abril 30, 2025.
Idaraos ng Pilipinas ang midterm election sa Mayo 12, 2025. (JOCELYN DOMENDEN)
