CAVITE – NAGBIGTI ang isang 22-anyos na gay makaraan umanong kalasan ng kanyang boyfriend sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.
Kinilala ang biktimang si John Carl Kim Omni De Jano ng Sitio Riverside, Brgy. Adlas, Silang, Cavite.
Ayon sa ulat ni Pat. Ralph Jayson Santos ng Silang Police Station, dakong alas-9:30 noong Martes ng umaga nang natuklasan ng kapatid na si Bea De Jano na nagpakamatay ang biktima sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, dumaranas ng depresyon si John dahil sa kinahaharap na problema sa kanilang pamilya.
Ngunit natuklasan sa cellphone ng biktima na ka-chat nito ang kanyang mga kaibigan sa FB Messenger na tila nagpapaalam sa kanila.
Pinayuhan ng mga kaibigan ang biktima na maging matatag at labanan ang anumang problema.
Nakausap din ng biktima ang isang Macoy Lautacam at inamin sa huli na naghiwalay na sila ng kanyang bagong “male lover” na hinihinalang naging dahilan ng depresyon ni John. (SIGFRED ADSUARA)
346 