NORTH COTABATO – Tatlong araw mula ngayon ay ilalagay na muli sa General Community Quarantine ang lalawigang ito, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Batay ito sa pagpupulong ng Provincial Inter-Agency Taskforce sa pangunguna ni Governor Nancy A. Catamco, sa Brgy. Luvimin, Kidapawan City kung saan inirekomenda ng Municipal Health Officers, Liga ng mga Barangay Presidents at pulisya na kailangan nang magpatupad ng mas istriktong community quarantine upang mapigilan ang pagtaas ng COVID cases.
Batay sa datus na iprinisenta ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya as of May 23, 2021, nakapagtalaa ng 1,638 COVID-19 cases ang lalawigan kung saan 93 dito ang namatay. Dagdag pa ni Dr. Rabaya, karamihan sa naitalang mga kaso sa nakaraang mga linggo ay nakuha sa social and family gatherings.
Dahil dito, ipatutupad ang GCQ simula sa Mayo a-30, ayon kay IATF Incident commander, Dr. Philbert Malaluan kasabay ng pagpresinta nito ng bagong polisiya kagaya ng: No movement Sunday, kailangang magpakita ng negative RT-PCR test result para sa mga non-essential travelers, 30% seating capacity sa dine-in restaurants, fastfood chains, at food retail establishments.
Ipatutupad din ang mas istriktong digital contact tracing system, pagpapataw ng karampatang penalty o kaparasuhan sa mga lalabag sa health protocol, pagpapatupad ng 10:00 pm to 4:00 am curfew, pagsuspende sa Leisure and Eco-Tourism Activities, pagsasagawa ng COVID-19 Rapid testing sa Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa bawat munisipyo at mahigpit na pag-monitor sa border checkpoints ng lalawigan at maraming iba pa. (BONG PAULO)
188 