MAGKAISA LABAN SA GUTOM – PBBM

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at kanilang private partners na magkaisa sa pagtugon sa problema sa pagkagutom sa bansa.

“So, let us move forward with determination, compassion, and purpose in building a Bagong Pilipinas where food is not only affordable but plentiful, and where every Bagong Pilipino leads a good, healthy, and productive life,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ito ng Pangulo sa isinagawang Walang Gutom Awards (GWA) sa Palasyo ng Malakanyang.

Kinilala ng Pangulo at pinromote ang local government units (LGUs) sa matagumpay na programa nito para labanan ang pagkagutom.

Layon ng GWA na kilalanin at hikayatin ang LGUs para sa “community engagement, innovation, resilience, sustainability and efficiency” sa paghahatid ng serbisyo.

Sa kabilang dako, ang mga Walang Gutom Awardees ay ang mga barangay ng Commonwealth, Quezon City at Naggasican, Santiago City, Isabela sa kahabaan ng munisipalidad ng Asuncion, Davao del Norte; Palompon, Leyte; at Bacnotan, La Union.

Kidapawan City sa Cotabato province ay isa sa mga awardees kasama ang mga lungsod ng Bago at Cadiz sa Negros Occidental; Mati City sa Davao Oriental; at lalawigan ng Biliran.

Tinatayang P2 milyong halaga ng Sustainable Development Funds ang ibinigay sa mga nagwagi. Ang natitirang finalists ay nakatanggap ng P1 million.

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang ibang LGUs na tularan ang ‘matagumpay na kuwento’ ng mga awardees.

Pinasalamatan naman nito ang awardees para sa kanilang napakahalagang suporta para sa adbokasiya. (CHRISTIAN DALE)

173

Related posts

Leave a Comment