MAGPINSANG RIDER PATAY SA TRUCK

CAMARINES SUR – Patay ang magpinsang estudyante matapos masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng isang truck sa Rolando Andaya Highway ng Brgy. F. Simeon, sa bayan ng Ragay sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Brex Villa, 19, at Jamaica Kim Moreno, 16, kapwa residente ng Brgy. Lower Omon, Ragay. Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng Ragay Municipal Police, bandang alas-5:20 ng hapon, pauwi na ang magpinsan at minamaneho ni Villa ang motorsiklo sa southbound direction ng highway nang nasalpok sila ng kasalubong na wing van truck na minamaneho ni Ernesto David, 49-anyos, residente ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Dahil sa lakas ng impact, natumba ang motorsiklo, tumalsik ang mga biktima sa kalsada na kapwa idineklarang dead on arrival sa Ragay District Hospital.

Pagkaraan ay sumalpok pa umano ang truck sa poste ng koryente.

Agad namang sumuko sa Del Gallego Police ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. (NILOU DEL CARMEN)

9

Related posts

Leave a Comment