TINIYAK ng Malakanyang na susunod sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Executive Secretary Ralph Recto sa direktiba ng Supreme Court na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw kaugnay sa petisyong inihain laban sa kanila.
Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, tutugunan ng Pangulo at ni Recto ang kautusan ng Korte Suprema.
“Kung utos po ng Supreme Court iyan ay gagawa po kami ng kaukulang komento,” ani Castro.
Ang petisyon para sa writ of mandamus ay inihain nina Pantaleon Alvarez at iba pang indibidwal upang hilingin ang paglalabas ng medical report ng Pangulo, kaugnay ng umano’y kalusugan nito.
Lumutang ang usapin matapos ang diagnosis ng Pangulo ng diverticulitis noong Enero at ang pagkalat ng hindi beripikadong impormasyon ukol sa umano’y malubhang karamdaman.
Naging bahagi rin ng diskurso ang alegasyon hinggil sa umano’y paggamit ng ilegal na droga, na binanggit ni Senador Imee Marcos sa isang pampublikong pagtitipon.
(CHRISTIAN DALE)
61 