MARCOS INAAWAT SA PANGUNGUTANG

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI na dapat dagdagan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang utang ng Pilipinas.

Ayon ito sa isang mambabatas sa Kamara kasabay ng hamon kay Marcos Jr., na imbestigahan at panagutin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakabaon ng Pilipinas sa utang na umaabot na sa P14.1 trillion.

Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, kahit ang mga hindi pa ipinapanganak na Pilipino ay may utang nang umaabot sa P120,000.

“The Marcos administration has the duty to investigate Pres. Duterte’s borrowings because it caused the Philippine debt to balloon to its current state. Makatarungan ba ang mga kondisyon sa ilalim nito? Nagamit ba sa tama ang pera? Pres. Marcos Jr. should not only investigate and prosecute those who squandered these borrowings but not to add to them as well,” litanya ni Castro.

Ayon sa mambabatas, P6.7 trillion ang inutang ni Duterte sa nakaraang anim na taong pamumuno nito sa bansa kaya umabot sa P14.1 trillion ang utang ng bansa matapos itong dagdagan ni Marcos Jr., ng P1.2 trillion sa nakaraang 11 buwan.

Mas lalong dapat imbestigahan aniya si Duterte dahil P616 billion lamang ang nagamit nito sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19 na nanalasa sa mundo mula noong 2020.

“Many of these loans are questionable in nature. These loans need to be accounted for especially since the government refuses to suspend fuel excise taxes just to pay for them,” dagdag pa ng militanteng mambabatas.

Dapat din aniyang imbestigahan kung saan napunta ang mga nakolektang excise tax sa mga produktong petrolyo na umaabot na umaabot sa P500 Billion mula noong 2018 dahil lalong lumaki ang utang ng bansa sa kabila ng buwis na ito na ipinatupad ng dating pangulo.

397

Related posts

Leave a Comment