May ‘minanang’ problema sa opisina DAVAO POLICE OFFICER NAKITANG PATAY SA QUARTERS

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang Police Lieutenant sa loob ng Camp Quintin M. Merecido sa Davao City nitong Lunes, ilang oras bago ang command visit ni PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr.

Ayon sa ulat, problemado umano ang opisyal sa inventory ng mga baril bago ito natagpuang patay sa kanyang quarters.

Sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na posibleng may kaugnayan ang insidente sa hindi pagtutugma ng records ng mga baril na minana ng nasawing assistant director for logistics.

Kaya naman, patuloy ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Iniutos na rin ng PNP chief ang pagpasok ng Regional Forensic Group at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matiyak na walang cover-up sa nangyari.

(TOTO NABAJA)

2

Related posts

Leave a Comment