10 DRUG SUSPECTS HULI SA QCPD, PDEA

HULI sa pinagsamang mga tauhan ng iba’t ibang police station sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-RO-NCR) ang sampung drug suspects sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lungsod na ito, noong Miyerkoles.

Ayon kay QCPD Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin ang arestadong mga suspek ay sina Alexander Gonzales, 43, nahuli sa Brgy. Quirino at nakumpiskahan ng 14 gramo ng shabu na tinatayang P95,200 ang halaga, at Marlon Taguinod, 30, nalambat ng Loma Police Station (PS 1) at nakumpiskahan ng P34,000 halaga ng shabu.

Gayundin ang mga suspek na sina Marjun Agang, 27; Dandy Dimaano, 53; Reggie Radam, 27; Noelito Caballero, 27, at Ace Fernandez, 38, pawang nadakip ng Talipapa Police Station (PS-3) sa buy-bust operation sa Dimaano Compound, Brgy. Balon bato, Quezon City at nakumpiskahan ng P68,000 halaga ng shabu at dalawang sachet ng marijuana.

Tiklo rin sa Anonas Police Station (PS-9) sa buy-bust operation si Zaldy Nepomuceno sa Katipunan Ave., Gonzales St., Brgy. Loyola Heights.

Nalambat naman ng Kamuning Police Station (PS-10) sa buy-bust operation si Ronie Fajardo, 19-anyos, habang si Khristina Nuque, 39, ay nadakip ng PS-10 sa buy-bust operation sa Brgy. Pinyahan.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

64

Related posts

Leave a Comment