10 MOST WANTED HULI SA QCPD

SAMPUNG most wanted persons pa ang nahuli ng iba’t ibang police stations sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod sa nakalipas na 24-oras.

Kinilala ni P/Brigadier General Danilo P Macerin, ang kabilang sa mga nadakip na si Christian Tarnate, top mot wanted person ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes.

Si Tarnate ay inaresto noong Martes ng gabi sa Norzagaray, Bulacan dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Huli rin si Joseph Brazal, 42, dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiklo rin sa mga tauhan ng Masambong Police Station (PS-2) si Harold James Hernandez, 38, dahil kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act.

Nadakip naman ng Talipapa Police Station (PS 3) sa bisa ng warrant of arrest, si Emmanuel Rivera, 40, dahil sa kasong slight physical injuries and maltreatment.

Nalambat ng Novaliches Police Station (PS 4), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, si Elmer Macayan, 27, dahil sa kasong paglabag sa City Ordinance 730, S-2019 o “An Ordinance Regulating the Use, Sale, Distribution and Advertisement of Cigarettes and other Tobacco Products in Certain Places, Imposing Penalties for Violations Thereof and Providing Funds Thereof, and other Purposes”.

Arestado rin sa Batasan Police Station (PS-6) si Bryan Roadiel, 22, dahil sa kasong malicious mischief.

Nalambat naman ng PS-6 si Jay-r Aldana, 31, dahil sa kasong slight physical injuries.

Laglag sa Anonas Police Station (PS-9) si July Echaluge, 31, dahil sa kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events of Public Health Concern Act.

Nadakma rin si Midel Cecelio, 55, dahil sa kasong paglabag sa RA
9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Huli rin si Frelan Torres, 37, dahil sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property. (JOEL O. AMONGO)

70

Related posts

Leave a Comment