BABAENG TULAK, ARESTADO SA P180K DRUG BUST

NASAKOTE ang isang babaeng suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga nitong Miyerkoles ng madaling araw sa Taguig City.

Kinilala ni Southern Police District Chief P/BGen. Eliseo Dela Cruz ang suspek na si Sarah Temporada, nadakip sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P180,000 halaga ng shabu sa Alley SS Brigade. Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Ayon sa ulat, isinailalim sa ilang araw na surveillance and casing operation ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Drugs Enforcement Unit (SDEU), na pinamumunuan ni P/Lt. Ariz Ramos, si Temporada bago ikinasa ang buy-bust operation.

“The operation that again led to the apprehension of the drug suspect, even we are in the midst of pandemic only shows that we (PNP) are serious in our mandated tasks and we mean business,” sabi ni P/BGen. Cruz. (DAVE MEDINA)

54

Related posts

Leave a Comment