1,000 PULIS IKAKALAT SA SIMBANG GABI

AABOT sa 8,000 pulis ang ikakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na 7,823 pulis ang itatalaga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila upang bantayan ang mga tao sa Christmas rush.

Sa panayan, sinabi ni Eleazar na magsisimula ang pagpapakalat ng mga pulisya sa simula ng Simbang Gabi kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga Katoliko sa simbahan para sa siyam na araw na misa.

Aabot agad sa 1,000 pulis ang ikakalat sa paligid ng mga simbahan sa Metro Manila samantalang ang iba pa ay sa mga plaza at terminal sa iba’t ibang panig ng metropolis.

Mahigit sa 4,000 kapulisan naman ang ikakalat laban sa anti-criminality operations ngayong Kapaskuhan.

118

Related posts

Leave a Comment