13 PAMILYA MINALAS SA GASERA

NALAPNOS ang balat ng dalawa katao habang napako naman ang isa sa pagmamadaling makaligtas sa sunog na nagsimula sa napabayaang gasera na tumupok sa ilang bahay na sinisilungan ng 13 pamilya sa Caloocan City.

Sumiklab ang sunog sa P. Gomez Street, Bagong Barrio, Barangay 15, ng lungsod alas-4:00 noong Lunes ng hapon at naapula bago mag-alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa impormasyong nakalap, sa isang bahay na walang kuryente nagsimula ang apoy kaya’t ipinalalagay na nagsimula ang sunog sa napabayaang gasera.

Kahit na may mga pwedeng matulugan sa covered court sa kanugnog na Barangay 151, marami sa mga nasunugan ang piniling sa kalsada na lamang palipasin ang gabi para bantayan ang anumang nalabi sa kanilang mga bahay.

Hiling ng mga biktima ang tulong gaya ng mga damit at materyales para maitayong muli ang kanilang naabong bahay dahil marami sa kanila ang tanging mga sarili at damit na suot lamang ang naisalba. (ALAIN AJERO)

93

Related posts

Leave a Comment