30-MINUTONG ‘HEAT STROKE BREAK’ IPATUTUPAD NG MMDA

mmda12

(NI ROSE PULGAR)

PARA maibsan ang matinding init ngayong summer, bibigyan ng karagdagang 30- minutong “heat stroke break” araw-araw ang mga traffic enforcers at street sweepers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Lunes ng umaga ay nilagdaan ni MMDA chair Danilo Lim ang isang memorandum na muling nagpapatupad sa “heat stroke break” policy para sa mga on-duty traffic enforcers at street sweepers.

Ito ay para maiwasan ang mga posibleng epekto ng matinding init gaya ng heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps.

Ayon sa MMDA, sa mga traffic enforcers na naka-duty ng alas-5:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon ang kanilang heat stroke break ay mula alas-10:00 hanggang alas- 10:30  ng umaga o alas- 10:30 hanggang alas- 11:00 ng umaga ang mga naka-duty , habang ala-1:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi ay maaaring mag-break ng alas-2:30 hanggang alas-3:00 hanggang alas- 3:30 ng hapon at ang mga naka-duty ng alas- 2:00 hanggang 10pm ay may “heat stroke break” mula 3:00 ng hanggang alas-3:30 ng hapon  o kaya alas- 3:30 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa mga street sweepers naman na naka-duty ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, ang “heat stroke break” nila ay mula alas-11 hanggang alas- 11:30 ng umaga o alas-11:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali; para sa mga alas-7:00 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon maaaring mag-break ng alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1:00 ng hapon o ang kanilang regular break time; habang ang mga naka-duty naman ng alas-11:00 ng hanggang alas-7:00 ng gabi ay maaaring mag-break ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas- 3:30 ng hapon.

Sa ilalim ng polisiya, maaaring umalis ng kanilang pwesto at mag-break ang mga naka-duty na field personnel para makapagpahinga.

“Palitan at hindi sabay-sabay ang gagawing ‘heat stroke break’ ng ating mga field personnel para mapanatili ang visibility ng mga traffic enforcers at street sweepers at para na rin matiyak na hindi maaapektuhan ang field operations,” paliwanag ni Lim.

May karagdagan ding 15-minutong break time para sa mga MMDA field personnel sakaling umabot sa 40 degrees Celsius o mas mataas pa ang heat index sa Metro Manila.

Sinabi pa ng MMDA, nag-umpisa ang heat stoke break nitong buwan ng Abril at magtatapos ito sa Mayo 31.

 

 

93

Related posts

Leave a Comment