66 ABU SAYYAF KULONG NG 42 TAON SA BASILAN KIDNAPPING

abusayyaf

SINENTENSIYAN ng hanggang 40 taong pagkabilanggo ang may 66 miyembro ng Abu Sayyaf dahil sa pagdukot sa 52 guro at mga estudyante sa dalawang eskuwelahan sa Tumahubong, Sumisip, Basilan noong March 20, 2000.

Napatunayan ng Pasig Regional Trial Court Branch 261 na guilty ang 66 miyembro ng Abu Sayyaf,  sinasabing matataas na lider ng grupo, sa iba’t ibang kaso sa kanilang lugar. Inatasan din ng korte ang mga ito na magbayad ng tig-P180,000 bilang danyos sa mga biktima.

Samantala, 20 naman sa mga akusado ang pinawalang-sala ng korte base sa 391-pahinang desisyon na ini-release sa media ngayon.

Kabilang sa kidnap victim ang pari na si Rhoel Gallardo at tatlo pang mga guro na nakitang patay noong Mayo 3, 2000.

4

Related posts

Leave a Comment