AUSSIE DINUKOT NG MGA CHINESE, NABAWI NG PNP

chinese

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAILIGTAS NG PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) ang isang Australian national mula sa kamay ng kanyang Chinese kidnappers, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni PNP spokesperson SSupt. Bernard Banac ang Australyanong si Jianting Chen na na-rescue sa isang operasyon na isinagawa ng PNP-AKG sa 9387A Calantas St. Barangay San Antonio, Makati City ganap na ala-1:30 ng hapon.

Kasalukuyan namang bineberipika ang pangalan  ng tatlong nadakip na Chinese ng mga sumalakay na tauhan ng PNP-AKG.

Binati naman ni PNP Dir. Gen. Oscar Albayalde ang Anti-Kidnapping Group na pinamumunuan ni P/CSupt. Glenn Dumlao sa pagkakaligtas sa biktima at pagkakadakip sa mga suspek.

Binigyang-diin ni Albayalde na ang matagumpay na operasyon ng PNP-AKG ay indikasyon ng patuloy na bumababang   insidente ng kidnapping sa bansa.

 

83

Related posts

Leave a Comment