LOLA, ISTIBADOR TIKLO SA SHABU

ISANG 62-anyos na lola na umano’y adik at isang istibador ang dinakip sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Navotas City noong Martes.

Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga pulis alas-10:00 ng gabi nang mahuli sa Blk. 33, Lot 29, Phase II, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), Dagat-Dagatan, Navotas City ang suspek na si Leila Papa.

Nakumpiska kay Papa ang limang sachets ng umano’y shabu na 0.8 gramo ang timbang at P5,440 ang halaga.

Habang ala-1:30 naman ng hapon nang magresponde ang mga pulis sa umano’y riot sa Palengke St., Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas at nang magtakbuhan ang mga tao ay bumangga sa patrol car si Florence Reyes, 30, istibador at nalaglag mula sa kanyang kamay ang isang sachet ng shabu kaya’t idiniretso siya sa presinto. (ALAIN AJERO)

73

Related posts

Leave a Comment