BAHAGI NG ROXAS BLVD SARADO BUKAS

jose

(Ni SAMANTHA MENDOZA)

ISASARA bukas (Disyembre 30) ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila para sa paggunita ng ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Maynila. Sa inilabas na advisory ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), kasama sa hindi muna padadaanan sa mga motorista mula alas-7:00 ng umaga, ay ang northbound at southbound lanes mula sa Katigbak Drive hanggang TM Kalaw Street.

Gayundin, ang ilang kalsada naman ng Katigbak Drive, Independence Road, at South Drive ay bubuksan din sa vehicular traffic kung kakailanganin. Magpapatupad din ng traffic rerouting scheme ang MDTEU para maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Ang mga sasakyang bumibiyahe pa-norte ay dapat na kumanan sa TM Kalaw Street, kaliwa sa Ma. Orosa Street, patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga light vehicles naman na pa-southbound, mula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa Street, patungo sa kanilang destinasyon. Ang mga trailer trucks naman o iba pang heavy vehicles ay mula sa Delpan Bridge-Pier Zone ay dapat na kumaliwa sa P. Burgos, diretso sa Finance Road-Ayala Boulevard, kanan sa San Marcelino Street hanggang sa kanilang patutunguhan.

Habang ang mga sasakyan naman na mula sa mga tulay ng McArthur, Jones, at Quezon bridge, na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard mula P. Burgos Street ay maaaring dumaan sa Round Table, patungo sa Ma. Orosa o di kaya ay sa Taft Avenue hanggang sa kanilang point of destination. Hinikayat rin ng MDTEU ang mga motorista na humanap ng iba pang alternatibong ruta upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

234

Related posts

Leave a Comment