BIKTIMA NG PAPUTOK DUMARAMI, 1 NAPUTULAN NG KAMAY

paputok200

INAASAHANG aakyat pa ang bilang ng mga biktima ng paputok matapos ang maulan na pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC).

Nasa 23 biktima ng paputok ang naitala sa pagamutan. Ayon kay Dr. Wesson Espiritu, ortho surgeon, nagsisimulang dumagsa ang mga pasyente ng alas-10 ng umaga. Sila umano ang mga taong namumulot ng paputok sa kalsada. Ang iba naman umano ay mga lasing at nagpaputok sa pahabol sa New Year celebration. Kadalasan din umanong mga galing sa probinsiya ang mga biktima.

Gayunman, kumpara noong nakaraang taon, mas kaunti umano ang naitala ngayon na biktima ng paputok.

Dalawang lalaki ang sugatan sa whistle bomb, ang isa ay puputulan ng daliri habang ang isa naman ang puputulan ng kamay.

Samantala, isinugod sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang mga biktima ng paputok. Gamit umano ng mga ito ang snapper, five star at kwitis.

 

44

Related posts

Leave a Comment