‘BLOODLESS WAR’ KONTRA DROGA POSIBLE — SPDO

nomore

(NI DAVE MEDINA)

PINATUNAYAN  ng Southern Police District Office (SPDO) na puwedeng magkaroon ng mapayapa at hindi madugong war on drugs sa pangunguna ni SPD Director, Police Chief Supt. Eliseo Cruz.

Inihalimbawa ni Cruz sa Muntinlupa kung saan nagkaroon ng lecture ang pulisya hinggil sa ‘drug prevention and awareness’ sa pangunguna ni City Chief of Police, Sr. Supt. Gerardo Umayao.

Sa nabanggit na event, ipinaunawa sa mga Grade 11 at 12 students ng Saint Francis of Assissi College Alabang Campus kung paano maiiwasan ang iligal na droga.

Samantala, sa lungsod ng Makati, pinangunahan ni Chief of Police, Sr. Supt. Rogelio Simon ang closing ceremony ng Drug Abuse Resistance Education o D.A.R.E. Program ng SPD sa Francisco Benitez Elementary School.

Tumanggap ng sertipiko ang mga estudyante bilang katunayan ng kanilang pagtatapos.
Layunin ng programa na maipaalam sa mga kabataan ang masamang dulot ng alak, sigarilyo at droga sa katawan, at para na rin maturuan ang mga bata na maiwasan ang karahasan.

Ayon kay Simon, habang bata pa ay mahalagang malaman na ng mga mag-aaral ang masamang maidudulot ng droga upang mailihis na sila sa mga masasamang bisyo at hindi ito maging hadlang sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

107

Related posts

Leave a Comment