MEGA TRAFFIC ASAHAN NGAYONG WEEKEND

traffic

(NI ROSE PULGAR)

NGAYON weekend ay makakaranas ng matinding trapik ang mga motorista dahil isasara ang ilang kalsada sa Kalakhang Maynila bunsod ng isasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sinimulan mamayang gabi hanggang sa Lunes ng umaga (Nobyembre 11).

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga apektadong lugar sa road re-blocking ay ang Southbound ng EDSA Camp Crame Gate 1 hanggang pagkatapos ng Annapolis St. (beside MRT); EDSA pagkatapos ng  Muñoz hanggang  Bansalangin St. (1st lane from sidewalk) at  G. Araneta Bayanin intersection.

Apektado din ang Westbound ng Quirino Highway Nightingale to Zabarte Road (inner lane) at General Luis St. from Samonte St. hanggang SB Road.

Gayundin ang Eastbound Elliptical Road pagkatapos ng  Maharlika St. (6th lane from outer sidewalk).

Kabilang din ang Northbound ng A. Bonifacio Avenue malapit sa Marvex Drive (2nd lane from sidewalk); Katipunan Ave./C-5  after CP Garcia St. harapan UP Town Center (truck lane) at EDSA after Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane from sidewalk).

Magsasagawa rin ng road reblocking sa Congressional Avenue  Ext.ension panulukan ng Luzon Avenue (2nd lane from center island) at pagkatapos ng  Tandang Sora Avenue (truck lane); Luzon Avenue  bago mag  Congressional Avenue Ext. (1st lane from center island) at  R. Magsaysay Blvd. after Magsaysay Bridge going Quiapo (inner lane).

Sinabi ng MMDA ang lahat ng nabanggit na mga lugar ay maaaring madaanan ito ng alas-5:00 ng umaga ng Lunes.

Kung kaya’t payo ng MMDA sa mga motorista na hangga’t maaari ay iwasan ang nabanggit na mga lugar upang hindi maabala sa kanilang pupuntahan.

 

221

Related posts

Leave a Comment