Nangyayari kapag may problema sa ekonomiya ‘SIBAKAN TACTIC’ NG PAL, BINATIKOS

MULING sinunggaban ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) ang problema ng bansa sa ekonomiya upang tanggalin ang 2,300 empleyado nito.

Ayon sa Partido Manggagawa (PM), ang totoong layunin ng pamunuan ng PAL, sa pangunguna ni Lucio Tan, ay “to weaken if not bust the two remaining unions at the national flag carrier”.

Isiniwalat ng PM sa kalatas nito na lahat ng malalaking suliranin sa ekonomiya ng bansa ay ginamit ng PAL na oportunidad upang tanggalin nito ang mga manggagawang solido ang unyon na nagtatanggol sa mga miyembro nito.

Ito ang reaksyon ng PM sa desisyon ng pamunuan ng PAL sa pagtanggal sa 2,300 empleyado nito.

Ipinaliwanag ng PAL, ang pagtanggal sa 2,300 manggagawa ay naglalayong isalba ang kumpanya sa patuloy na pagkalugi nito dulot ng problemang inihambalos ng COVID-19.

Kasapi ng PM ang unyon sa PAL.

Ayon sa PM: “Every economic crisis has been exploited by PAL management to reduce its regular employees and increase its outsourced and endo workforce. The 1997 Asian crisis led to the 1998 mass layoffs, the 2008 Great Recession led to the 2011 outsourcing and now the COVID-19 pandemic is the alibi for another round of retrenchments. While PAL’s regular employees are cut to the bare minimum, outsourced endo workers have ballooned”.

Umaasa ang PM na magsasagawa ng mapagpasyang aksyon ang administrasyong Duterte, partikular ang Department of Labor and Employment (DOLE), sa dinaranas ng mga manggagawa sa kasalukuyang panahon.

Binigwasan ng PM ang ginagawa ng DOLE, na pinamumunuan ni Secretary Sylvestre Bello III mula Hulyo 2016, na nagsisilbing “passive collector” ng istadistika hinggil sa mga manggagawang tinatanggal sa trabaho ng kani-kanilang amo. (NELSON S. BADILLA)

202

Related posts

Leave a Comment