NAVOTAS COVID GROWTH RATE, PUMALO SA 13.6%

ISA na namang lugar sa Navotas ang kinailangang i-lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng positibo sa COVID-19, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

“Nagtala rin po tayo ng 13.46% growth rate sa ating mga kaso sa pagitan lamang ng dalawang linggo,” dagdag pa ng alkalde.

Isa naman ang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit noong Enero 25 habang tatlo ang gumaling.

Hanggang alas-3:00 ng hapon ng nasabing petsa ay 5,581 na ang tinamaan ng COVID sa siyudad.

Mula sa bilang na ito ay 5,336 na ang gumaling, 173 ang namatay at 73 ang active cases.

Nabatid naman sa City Health Department ng Malabon na 17 ang nadagdag na confirmed cases nitong Enero 25, at 6,246 ang positive cases, 65 dito ang active cases.

Siyam na pasyente naman ang nakarekober at sa kabuuan ay 5,942 na ang recovered patients sa Malabon at nananatiling 239 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya.

Samantala, hanggang alas-8:00 ng gabi noong Enero 25 ay 9,108 na ang confirmed COVID cases sa Valenzuela City, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.

Sa bilang na ito ay 8,685 na ang gumaling, 264 ang namatay at 159 ang active cases. (ALAIN AJERO)

62

Related posts

Leave a Comment