NCRPO: WALANG TERROR ALERT SA NCR

swat1

PINAKALMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar ang publiko sa gitna ng mga balitang pambobomba ng mga terorista sa ilang panig ng bansa, kasama ang Metro Manila.

Sinabi ni Eleazar na manatiling kalmado ngunit alerto ang publiko gayundin ang pagiging mapagmasid sa paligid.

Wala rin umanong kumpirmadong security threat sa Metro Manila ngunit makabubuti na ring makipag-kooperasyon sakaling magkakaroon ng inspeksiyon. Ayon kay Eleazar, ang mga ginagawang pag-iikot sa mga pampublikong lugar ay bahagi ng precautionary at preventive measures kasunod ng paglalagay sa full alert status ang NCRPO matapos ang nangyaring Jolo twin bombings.

Patuloy pa ring mino-monitor ng kapulisan ang mga matataong lugar tulad ng terminal, mall at pamilihan gayundin ang vital installations sa bansa.

Sabado ng umaga ay nakipag-ugnayan na rin si Eleazar sa ilang miyembro ng Muslim community sa Metro Manila para sa idaraos na prayer rally.

71

Related posts

Leave a Comment