ONLINE REGISTRATION SA VCVAX, SIMULA NA

HINIMOK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang mga residente na magparehistro para sa COVID-19 Vaccines Rollout Plan o mas kilala bilang VCVax upang maging “Bakunadong Valenzuelano”.

Mag-log on lamang sa ValTrace account sa valtrace.appcase.net at i-click ang “Vaccination Registration” button. Ang log-in details na gagamitin ay kapareho lamang ng iyong ginamit sa pagkuha ng ValTrace QR Code. Kung wala pang ValTrace account, mag-register.

Sagutan ang online form at mag-upload ng larawan ng anumang government issued ID.

Ang kasunod na hakbang ay pindutin ang checkbox bilang pagsang-ayon sa “Privacy Notice and Data Privacy Consent” at i-click ang “Submit.”

Susuriin ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang aplikasyon at tatawag o magpapadala ng email upang ipaalam ang iskedyul at lugar ng pagpapabakuna.

Ang mga 18-anyos pataas lamang ang maaaring bigyan ng bakuna. (ALAIN AJERO)

75

Related posts

Leave a Comment