Problemado sa misis MISTER TUMALON SA DOLOMITE BEACH

HINDI na naisalba sa Ospital ng Maynila ang buhay ng isang hindi pa kilalang lalaki makaraang tumalon sa Dolomite Beach sa Manila Bay noong linggo ng umaga.

Madaling araw nitong Miyerkoles nang bawian ng buhay ang biktima ayon kay Dr. William Azarcon.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, noong Linggo, dakong 10:30 ng umaga, nang makatanggap sila ng tawag mula sa nasabing pagamutan hinggil sa nalunod na isang lalaki .

Agad namang nagresponde si Police Senior Master Sergeant Boy Niño Baladjay sa nasabing ospital.

Nabatid sa imbestigasyon ni Baladjay, inihayag ng taxi driver na sinakyan ng biktima, na naikuwento ng huli na may problema ito sa asawa.

Pagdating sa Dolomite Beach, bumaba umano ang biktima at pasigaw nitong sinabi na “Magpapakamatay ako” kasunod ng pag-dayb sa Manila Bay.

Agad namang humingi ng tulong ang security guard na si Remelyn Gonzales sa nasabing taxi driver at isinugod nila sa ospital ang biktima ngunit nalagutan ito ng hininga dakong madaling araw nitong Miyerkoles.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

94

Related posts

Leave a Comment