ROMUALDEZ PUMANGALAWA SA MATAAS NA APPROVAL RATING

SUNOD kay Pangulong Bongbong Marcos, pumangalawa na si House Speaker Martin Romualdez sa matataas na opisyal ng bansa, na may pinakamataas na approval at trust rating nitong Setyembre.

Ayon sa Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research mula September 4-7, nakakuha si Speaker Romualdez ng 65% approval habang 67% naman sa trust rating. Nanguna pa rin si Pangulong Marcos na may 66% approval at 69% naman sa trust rating. Pangatlo si Senate President Chiz Escudero na may 62 approval at 61 trust rating. Ang dating pangalawa naman sa puwesto sa approval at trust ratings na si Vice President Sara Duterte, ay laglag na sa ikaapat na pwesto.

Nabatid na nakakuha lamang si VP Sara ng 52% na approval at 57% na trust rating. Si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay nakakuha ng approval rating na 14% habang 15% naman ang trust rating nito.

Tingin ng ilang political analysts, may kinalaman ang pagbagsak ng ratings ni VP Sara sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan niya tulad ng hindi maipaliwanag na paggasta ng kanyang confidential at intelligence fund. Idagdag pa ang pambabastos niya sa mga hearing sa Kongreso at Senado nitong nagdaang buwan at mga pahayag na huhukayin ang bangkay ng yumaong Pangulong Marcos saka itatapon sa West Philippine Sea at pupugutan ng ulo si PBBM.

22

Related posts

Leave a Comment